^

Bansa

NDRRMC naghahanda na sa tag-ulan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghahanda na sa nalalapit na panahon ng tag-ulan ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay ng posibleng panganib na idulot ng landslide at mga pagbaha sa bansa.

Kahapon pormal na itinurn-over ni NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario ang P20 milyong halaga ng 26 Rigid Hull Inflatable Boats (RHIBs) o rescue boats  sa 19 opisyal ng Local Government Units (LGUs) para magamit sa search and rescue operations sa kanilang mga hurisdiksyon.

Sinabi ni del Rosario na ang 26 RHIBs ay ipina­mahagi sa dalawang lalawigan, 17 munisipalidad at maging sa military at iba pang rescue units ng pamahalaan.

Kabilang naman sa nabiyayaan ng naturang mga rescue boats ang Eastern Samar, La Union at 17 pang munisipalidad. Tatlong RHIBs ang napunta sa Philippine Army rescue team, dalawa sa Philippine Air Force at dalawa pa sa National Emergency Res­ponse Teams.

Ang 17 munisipalidad ay kinabibilangan naman ng Delfin Albano, Isabela; Enrile, Cagayan; Calumpit, Bulacan; Rodriguez, Rizal; Victoria, Oriental Min­doro; Tinambac, Camarines Sur; Libon, Albay; Nabua and Bato, Camarines Sur; Maribojoc, Bohol; Tudela, Misamis Occidental; Kapatagan, Lanao del Norte; Lambayong, Sultan Kudarat; Dolores and Bucay, Abra; Jabonga at Kitcharao sa Agusan del Norte.

Ayon kay del Rosario, target ng pamahalaan ang zero casualty sa panahon ng kalamidad.

CAMARINES SUR

DELFIN ALBANO

DOLORES AND BUCAY

EASTERN SAMAR

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

LA UNION

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MISAMIS OCCIDENTAL

NABUA AND BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with