MANILA, Philippines - Hiniling ni Senator-elect Cynthia Villar sa Court of Appeals na ikonsidera ang desisyon nito noong April 26 na nagbasura sa petisyong ipatigil ang Manila Bay reclamation project na maaaring magdulot ng malawakang pagbaha sa ilang barangay sa Bacoor, Parañaque at Las Piñas.
Ang Motion for Reconsideration (MR) ay isinampa ni Villar noong Mayo 14 sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Frank Chavez.
Sa 48-pahinang desisyon, ibinasura ni Associate Justice Apolinario Bruselas ng CA 3rd Division ang petisyon ni Villar laban sa Las Piñas-Parañaque Coastal Bay project dahil sa kawalan ng merito.
Sinabi ni Bruselas na nabigo si Villar na maÂipakita ang ugnayan sa reclamation project at environmental damage.
Sa kanyang MR, umaÂpela si Villar sa CA na repasuhin at balangkasin ang maling disposisyon ng kaso bunga ng illegal at labag sa ECC para sa coastal bay project, nakakasira ito sa kapakinabangan at pagpapanatili ng Las Piñas-Parañaque critical habitat and ecotourism area at pinsala ang idudulot nito sa kapaligiran at panganib sa buhay, kalusugan at ari-arian ng mga residente ng Las Piñas-Parañaque.
“Gagawin ko ang lahat ng legal na paraan sapagkat naniniwala ako na meron itong sapat na merito. Umaasa rin akong pagbibigyan ng CA ang ating MR,†wika pa ni Villar matapos mahigit 300,000 katao ang lumapit at humingi ng tulong sa kanya na tutol sa coastal project.