MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ni Vice President Jejomar Binay na inaasahan na ang paglaya at pag-uwi sa bansa ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Rogelio “Dondon†Lanuza na nahatulan ng bitay matapos na magpalabas ng tanazul o affidavit of forgiveness ang pamilya ng napatay nito sa Saudi Arabia.
Ayon kay VP Binay na Presidential Adviser on OFW Concerns, kinumpirma ng Saudi Royal Court (src) na ang pamilÂya ng Saudi national na napatay ni Lanuza ay nag-isyu na ng tanazul.
“The Saudi Royal Court (src) in Dammam has confirmed that the victim’s family has already issued a tanazul, or affidavit of forgiveness, in favor of Dondon Lanuza,†ani Binay.
Sa panayam ng PSN kay Dondon Lanuza mula sa Dammam jail, sinabi nito na noong Miyerkules (Mayo 22) pa ay sinabihan na siya ng src tungkol sa nasabing magandang balita.
Sinabi nito sa PSN na maituturing niya ngayon na isa siyang “freeman†at ganap nang ligtas sa pagbitay.
Nakatanggap umano ng text message si Lanuza mula kay Sheik Ahmad Al Othaimen, head ng src sa Dammam na tuluyan na siyang pinatawad ng pamilya ng biktima matapos na magpalabas ng tanazul.
Kinumpirma rin ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh na naayos na ang 3 milyong Saudi riyal na blood money ni Lanuza at naipasa na sa pamilya ng biktima.
Sinabi ni Binay inaantay na lamang ang ipalalabas na realese order ng Dammam court upang makalaya si Lanuza.
Nakahanda na rin ang kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na susundo kay Lanuza sa kanyang inaasahang pag-uwi sa bansa sa hindi pa mabatid na araw.
Pinasalamatan ni Lanuza ang lahat ng mga tumulong sa kanya kabilang na ang pahayagang PSN upang ganap na makaligtas sa bitay. Nagpasalamat din si Binay kay Saudi King Abdullah na nagbigay ng 2.3 milyon Saudi riyal na kakulangan sa P32 milyong blood money.