MANILA, Philippines - Babasahan ng sakdal ngayong umaga ng QC Regional Trial Court-extention sa Bicutan Taguig ang 78 akusado sa Maguindanao massacre case hinggil sa pagkamatay ng ika-68 biktima ng krimen na photojournalist na si Reynaldo “Bebot†Momay.
Inutos ni QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Reyes sa court’s sheriff na makipag-ugnayan ito sa Bureau of Jail Management and Penology para matiyak na ang 78 akusado ay makakadalo sa naturang arraignment matapos makakita ang korte ng probable cause na nagdidiin sa mga ito sa kaso.
Ilan sa 78 akusado na sasalang ngayon ang sinasabing utak ng krimen na sina dating Maguindanao governor Andal Ampatuan Sr., Chief Insp. Sukarno Dicay Sr. Insp. Adbulgapor Abad, Supt. Abdulwahid Pedtucasan at iba pang police officers.
Hindi kasama sa arraignment sina Akmad “Toto†Ampatuan, Sajid Islam Ampatuan, Anwar Ampatuan, Anwar Sajid “Ulo†Ampatuan, Anwar “Ipi†Ampatuan Jr., Sahid Guiamadil, Kasim Ungkong, backhoe operator Bong Andal, Butukan Malang, Datukan Malang Salibo at Talembo Masukat dahil nakapending pa ang kani-kanilang petisyon sa korte para makapagpiyansa.
Hindi rin kasama sa isasalang dahil may naka pending pang petisyon sina dating ARMM governor Andal Ampatuan Jr., Talipan Dilon, Esmail Canapia, Sukarno Badal, Mohamad Sangki, Supt. Abrisana Mundas Maguid, Maktan Daud, Wahades Ampatuan, Mactan Bilungan, Misuari Ampatuan, Salipad Sampago, Taga Bangkulat, Salik Bangkulat, Ibrahim Tatak, Norman Tatak at Not Abdul.
Ang mga akusado ay sinasabing nasa likod ng pamamaslang sa may 58 katao sa Maguindanao noong Nov. 23, 2009.