MANILA, Philippines - Dahil umano sa kabagalan ng gobyerno sa pagbibigay ng air tickets, napaso na ang hawak na exit visas ng mga stranÂded OFWs na kabilang sa libu-libong Pinoy na nagka-camp sa tinaguriang “Tent City†sa Jeddah at Riyadh sa Saudi Arabia.
Sa tinanggap na mga reklamo ng Migrante Middle East, nag-expire na ang exit visas ng ilang OFWs sa tagal ng kanilang pag-aantay na mabigyan ng kanilang plane tiket na popondohan ng gobyerno pauwi sa Manila.
Sabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-MEt, sa pag-aakala nila ay naibigay na ang air tickets ng mga OFWs dahil na rin sa madalas na pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may pondo ang gobyerno para sa nasabing tiket ng mga stranded OFWs.
Binanggit ni Monterona na nag-issue ang Saudi immigration authorities ng exit visas ng may 7-araw na validity para sa may 600 stranded Pinoys sa Tent City sa Jeddah subalit walong Pinoy na nag-aantabay ng kanilang plane ticket ang napaso na ang mga exit visas.
Ang pagdagsa ng mga undocumented at run-away OFWs sa Jeddah at Riyadh ay kasunod ng Saudization kung saan hinuhuli na ang lahat ng illegal workers sa kanilang bansa alinsunod sa bagong batas na Nitaqat policy sa Saudi.