MANILA, Philippines - Dinalaw ni Pangulong Aquino ang burol ng 7 miyembro ng Philippine Marines na nasawi sa engkwentro sa Abu SayÂyaff Group noong Sabado sa Patikul, Sulu.
Ang mga labi ng 7 Marines ay binigyang-pugay ng Pangulo sa huling sulyap nito habang nakaburol sa Marines headquarters sa Taguig City kahapon.
Nakiramay naman ang Pangulo sa mga naulila nina 2nd Lt. Alfredo Lorin Vl, Pfc. Jay Alasian, Pfc. Jayson Durante, Pfc Rene Gare, Pfc. Andres Bogwana, Pfc. Roxan Pizarro at Pfc. Dominator Sabejon Jr.
Nag-alay ng panalaÂngin ang Pangulo sa bawat sundalo na nagbuwis ng kanilang buhay para sa bayan sa kanyang pagsilip ng mga kabaong nito saka siya sumaludo sa mga ito.
Nagkaloob ang PaÂngulo ng P250,000 tulong sa pamilya ng naulila ng mga sundalo bukod sa scholarship sa mga anak ng nasawi.
Iniutos na ng Pangulo ang pagtugis sa mga miyembro ng ASG na nakapaslang sa mga Marines na nasa kanilang test mission sa Patikul.