MANILA, Philippines - Magkakaroon ng rigodon o pagpapalit ng mga committee chairmanship sa Kamara sa darating na 16th Congress.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, inaasahan na niyang magkakaroon ng pagpapalit ng mga committee chairmanships sa Kamara.
Kabilang sa mga papalitan ay ang apat na Deputy Speakers dahil natapos na ang termino nina dating Reps. Isabelle Climaco, Erin Tanada, at Monico Fuentebella.
Gayundin ang mga kongresistang kabilang sa makapangyarihang Commission on Appointments gaya nina Reps. Rodante Marcoleta, Roilo Golez at Rex Gatchalian.
Maging ang chairman ng House Committee on Accounts na dating hawak ni An Waray Rep. Florencio “Bem†Noel, Committee on Basic Education na dating pinamumunuan ng yumaong si Sorsogon Rep. Salvador Escudero III at ang Committee on Appropriations na hinawakan ni Cavite Rep. Jun Abaya na hinirang ni PNoy bilang kalihim ng DOTC.
Ayon kay Belmonte, tatapusin muna ang huling sesyon ng 15th Congress para makapag-usap ang mga kongresista ukol sa pagpasok ng 16th Congress.
Matatandaan na nauna ng nag-anunsyo ng reshuffle ang Senado na gagawin sa pagpasok ng 16th congress, lalo’t napapabalitang si Sen. Franklin Drilon ang susunod na Senate President.