MANILA, Philippines - Nagkasundo ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Taiwan Interpol hinggil sa mga prosesong susundin sa isasagawa nilang imbestigasyon kaugnay ng pagkakapatay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Taiwanese fisherman sa Balintang Channel.
Alinsunod sa kasunduan, uunahin muna ang pagsasagawa ng ballistic examination o pagsusuri sa mga armas na ginamit sa Balintang Channel incident na nagtapos sa kamatayan ng maÂngingisdang si Hung Shih Chen.
Ayon kay NBI Deputy Director Virgilio Mendez, matapos ang ballistic exaÂmination ay susunod na susuriin ang mga sasakÂyang pandagat na sinakÂyan ng mga personnel ng PCG.
Ang mga susunod aniyang gagawin matapos ang naturang proseso ay saka pa lamang nila tatalakayin ang susunod na gagawin ng mga imÂbestigador ng Taiwan.
Handa rin aniya silang ipakita sa Taiwanese investigators ang video footage sa nasabing insidente.
Kasama sa mga humarap sa pagpupulong kahapon ay sina Mendez, Atty. Art Aviera ng Manila Economic Cooperation (MECO), Taiwan chief proÂsecutor Lin Yen Liang at iba pang opisyal ng NBI at Taiwan.
Hindi pa matiyak ng NBI kung gaano katagal mananatili sa Pilipinas ang mga Taiwanese na kinabibilangan nina Lin Yen Liang, Investigator-prosecutor, Liu Chia Kai, Investigator-prosecutor, Tseng Shih Che, Investigator-prosecutor, Chang Hung Jui, investigator, Lee Jia Jinn, Forensic, Lee Jing Wei, firearm at Lin Guh Tyng, technician.
Una nang dumating sa Pilipinas ang dalawang hindi pinangalanang Taiwanese investigator noong nakaraang linggo habang 3 pa ang hinihintay na darating anumang oras mula ngayon.
Sa kabuuan, aabot sa 11 kataong investigating team mula sa Taiwan ang mag-iimbestiga sa BalinÂtang Channel incident.