‘No collection’ sa public schools
MANILA, Philippines - Tulad ng nakagawian tuwing pasukan, muling pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga principal at mga guro sa mahigpit na ipinatutupad na pagbabawal sa koleksyon sa anumang uri ng bayarin sa mga magulang sa mga pampublikong elementarya at high school sa bansa.
Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na kailangang sundin ng mga principal at guro ang nilalaman ng DepEd Order 41 Series of 2012 (Revised guidelines on the opening of classes), kung saan nakatadhana ang pagbabawal sa paniningil sa anumang school fees sa kabuuan ng taunang pampaaralang 2013-14 mula kindergarten hanggang Grade 4 habang mag-uumpisa naman ang paniningil sa mga nasa Grade 5 hanggang 4th year high school pagkatapos ng Hulyo 2013.
Maging ang boluntaryong pagbibigay ng donasyon ng ilang magulang ay hindi rin pinapayagan sa araw ng pasukan dahil sa maaaring masamain ito ng ilang magulang na mahihirap.
Sa mga magulang na may reklamo sa mga opisyal ng paaralang pinapasukan ngayong pasukan, maaaÂring kumontak para magsumbong sa DepEd’s DETxt hotlines (02)636-1663 and (02)633-1942; o mag-email sa: [email protected].
- Latest