MANILA, Philippines - Matapos ang ilang buwang paghihirap at pag-aantay sa tinaguriang “Tent City†sa Jeddah, makakauwi na ang may 600 Pinoy workers na stranded sa Saudi Arabia.
Aakuin ng pamahalaan ang lahat ng gastusin sa plane ticket o airfare ng naturang 600 OFWs na nakatakdang umuwi.
“The government will take care of their airfare as well as other immigration fees,†ani Vice President Jejomar Binay na tumatayo ring Presidential Adviser on OFWs’ Concerns.
Ipinaliwanag ni Binay na nagtagal lamang ang repatriation sa mga stranded Pinoys na nagtayo ng kani-kanilang tent sa paligid ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah dahil na rin sa kakulangan ng kanilang exit visas mula sa kanilang employer.
Hindi pa inaanunsyo ng DFA ang takdang araw ng pagdating ng 600 Pinoy na karamihan ay mga run-aways o tumakas sa kani-kanilang amo.