Para makaligtas sa gulo at disgrasya: OFWs sa Taiwan nagsisinungaling
MANILA, Philippines - Itinatanggi o nagsisinungaling ang maraming Overseas Filipino WorÂkers (OFWs) sa Taiwan kapag tinatanong sila ng mga Taiwanese kung sila ay mga Filipino citizen para lamang makaiwas sa disgrasiya.
Ayon sa isang Vincent Baliton, OFW sa Taiwan na sinasabihan sila na huwag silang aamin na mga Filipino sila kapag may mga nagtatanong sa kanila dahil tiyak umanong masaÂsaktan lamang sila.
‘Indonesians†kami hindi kami Filipino kapag may nagtatanong sa takot na baka may mangyaring masama sa kanila.
Samantala may 103 Filipino-Chinese na pawang miyembro ng Dynamic Youth Organization ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 galing Taiwan bahagi ng kanilang educational tour at familiarization trip.
“Mga Philippine passports holder kami na pumasok sa Taiwan pero intsik ang salita namin doon at hindi tagalog para walang problema†sabi ni Janson Uy.
- Latest