MANILA, Philippines - Bumisita na kahapon sa Kamara ang biyuda ni dating DILG Secretary Jesse Robredo na si Atty. Lenny Robredo matapos itong manalong kongresista sa ikatlong distrito ng Camarines Sur.
Natalo ni Robredo sa katatapos na halalan ang asawa ni dating Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na si Nelly Favis Villafuerte.
Ayon kay Robredo, nakipagkita siya kay House Secretary-General Marilyn Barua-Yap upang alamin kung ilang staff dapat mayroon ang isang kongresista at kung anu-anong posisyon ang kailangan.
Ito ay upang makapili na rin siya ng kanyang mga staff dahil gusto umano nito na magtrabaho ng mabuti kasama ang mga tamang tao.