Ospital nasunog: 195 pasyente inilikas

MANILA, Philippines - Umaabot sa 195 pas­yente ang inilikas matapos na masunog ang mental hospital sa  Davao City, Davao kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, wala namang iniulat na napahamak sa 195 pasyente ng Davao Mental Hospital.

Bandang alas-6 ng umaga ng tupukin ang apat na gusali ng nasa­bing hospital kung saan naka-confine ang mga pasyente.

Ayon sa imbesti­gasyon, ang sunog ay nagsimula sa ward ng mga babaeng pasyente na mabilis na kumalat ang apoy sa intensive care unit ng nasabing medical facility.

Naging alerto naman ang hospital staff na mabilis na inilikas ang mga pasyente sa ligtas na lugar.

Agad namang rumes­ponde ang mga bumbero at naapula ang apoy bandang alas-8:50 ng umaga habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga arson investigator.

Show comments