MANILA, Philippines - Hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ng 8 taon ang ex-municipal mayor ng Dapitan City na si Joseph Cedrick Ruiz dahilan sa pagbubulsa sa P1-milyon halaga ng Confidential Intelligence Fund (CIF) mula 1998 hanggang 2001.
Sa 27-pahinang desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Efren N. De la Cruz, napatunayan ng Sandiganbayan First Division na si Ruiz ay lumabag sa Section 3 ng Republic Act (RA) No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at paglabag sa Article 217 (Malversation) ng Revised Penal Code.
Bukod sa pagkakakulong, si Ruiz ay hindi rin pinapayagan na makapagtrabaho pa sa alinmang posisÂyon sa gobyerno at pinagmumulta din ito ng P950,000 na kasinghalaga ng binulsa nito at inatasan din ito na ibalik sa city of Dapitan ang nasabing salapi.
Sinasabing hindi naipaliwanag sa graft court ni Ruiz kung saan napunta ang pera kaya pinapalagay na ginamit nito sa pansariling interest.