P-Noy walang balak kausapin si Jun Lozada
MANILA, Philippines - Walang balak si Pangulong Benigno Aquino lll na kausapin si NBN-ZTE whistle blower Rodolfo ‘Jun’ Lozada Jr., ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
Ayon kay Usec. Valte, wala namang nababanggit ang Pangulo na nais nitong kausapin si Lozada matapos ang naging akusasyon ng whistle blower na ginigipit siya nito sa mga kaso.
Magugunita na mismong ang Pangulo ang nagsabi kamakalawa na wala siyang dahilan upang gipitin si Lozada at baka ito pa ang may ‘galit’ sa kanya.
Ipinaliwanag pa ng Pangulo, wala siyang dahilan upang gipitin si Lozada kahit nalaman nila na ang mga plano nila sa pagbabalik ni Lozada galing Hongkong ay sinabi din nito sa ‘kabilang panig’.
“I don’t know if they actually have direct communication; meaning, puwedeng mag-text. Pero wala naman pong nabanggit ang Pangulo na meron pang balak pong kausapin or to reach out,†giit pa ni Valte.
Una dito ay sinabi rin ng Chief Executive na wala siyang galit para maghiganti at gipitin si Lozada Jr.
“Wala akong galit sa kanya (Lozada), Baka siya ang may galit sa akin,†giit pa ni Pangulong Aquino.
- Latest