MANILA, Philippines - Pinag-aaralan at nais isulong ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng internet voÂting sa hanay ng mga manggagawang Filipino na nasa ibang bansa.
Ayon kay COMELEC Chairman Sixto Brillantes, dismayado siya sa mababang resulta ng Overseas Absentee Voting (OAV) sa katatapos na May 13 midterm elections.
Bunsod nito, pinag-iisipan nila ngayon ang paggamit ng internet upang mahikayat ang mga overseas absentee voters na lumahok sa halalan sa bansa lalo pa’t marami na ang gumagamit ng internet.
Lumilitaw na 117,383 botante lamang ang luÂmaÂhok sa OAV, o katumbas ng 16% ng 737,759 registered voters. Mas mababa ito sa 25% voÂters turnout ng OAV noong 2010 elections.
Naniniwala si Brillantes na sa pamamagitan ng internet voting ay maaaring tumaas ang voter turnout nang mula 60% hanggang 70%.
Samantala, nais naman ni Senator Franklin Drilon na ipaliwanag ng COMELEC at ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napakahinang partisipasyon ng absentee voting sa ibang bansa.
Sinabi ni Drilon, maÂlaki ang budget ng COMELEC at ng DFA para sa malawakang implementasyon ng OAV law pero kakaunti lamang ang nakiisa sa absentee voting.
Nakakadismaya aniÂya ang tila bigong imÂpleÂmentasÂyon ng nasabing batas na ipinasa para na rin makaÂboto ang mga Pinoy na nasa labas ng bansa.
Aniya, dapat ipaliwaÂnag ng DFA at ng COMELEC kung bakit nabigo sila sa kanilang kampanya.
“Its seems that less and less Filipinos abroad are inclined to exercise their right to vote, contrary to the intention of Congress when this law was enacted,†sabi ni Drilon.