MANILA, Philippines - Agad na dumipensa si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis ToÂlentino kaugnay sa pagÂlobo ng yaman nito base sa idineklarang 2012 Statement of Assets, Liabilities and Net (SALN).
Sinabi ni Tolentino na pareho lamang ang kanÂyang kayamanan noong 2011 at 2012 pero ang naging pagkakaÂiba lamang ay ang improÂveÂments clause sa baÂgong panuntunan ng SALN. Ayon sa kanya, hindi naman nire-require sa lumang SALN form ang paglalagay sa mga improÂvements sa kanyang mga ari-arian na nailagay niya sa bagong SALN.
Sa naglabasang ulat, si Tolentino ay may pinakamalaking pag-angat na yaman sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Aquino base sa idineklarang SALN.
Sa 2011 SALN, umaaÂbot sa P22,540,381.52 ang naitalang kayamanan na umangat noong 2012 SALN na nasa P42, 773, 691. 02. Mas mataas ito ng higit sa P20 milyon sa lumang deklarasyon.
Nanindigan si TolenÂtino na naging tapat siya sa pagdedeklara ng kayamanan. Sa kanÂyang 2012 SALN, may asterisk umano dito na nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng kanyang deklarasyon noong 2011.
Wala umanong kaÂtoÂtohanan na tatlong hiwalay na SALN ang kanyang isinumite.
Nanatili namang piÂnaÂÂkamayaman sa mga gabinete si Foreign AfÂfairs Secretary Albert del Rosario na may net worth na P705, 481,105.13 habang ang pinaÂÂkamahirap na kaliÂhim ay si Education Sec. Armin Luistro na may idineklarang ari-arian na nagkakahalaga ng P550,651.14.