Canvassing ng mga partylist tuloy ngayon

MANILA, Philippines - Itutuloy ngayon araw na ito ng Commission on Elections (Comelec) en banc, na tumatayong mga miyembro ng Na­tional Board of Can­vassers ang can­vassing ng mga par­ty-list votes noong na­ka­lipas na mid term elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Atty. Sixto Brillantes Jr., dakong alas-10 ng umaga nga­yong araw magko-convene ang NBOC para ipagpatuloy ang canvassing sa party-list votes sa main office ng Comelec sa Intramuros, Manila.

Pansamantalang itinigil ng NBOC ang canvassing ng party-list votes dahil sa ma­raming katanungan ang mga abogado ng mga kalahok na party-list groups at nakakapagpabagal din sa canvassing ng boto sa senatorial race.

Magugunitang sina­bi ni Brillantes na sa san­daling maiproklama na ang Magic 12 ay muli nilang ipagpapatuloy ang canvassing ng boto sa partylist.

Noong Sabado ng gabi nang iproklama ng NBOC ang ika-10 hanggang 12 senador na kumumpleto sa Magic 12 na kinabibilangan nina Cynthia Villar, JV Estrada at Gringo Honasan.

Una nang iprinoklama ng NBOC na sina Grace Poe, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Nancy Binay, Sonny Angara, Bam Aquino, Antonio Trillanes IV at si Koko Pimentel.

Pansamantalang nag-recess ang NBOC matapos maiproklama ang mga nanalong senatorial bet dahil sa araw ng Linggo.

 

Show comments