MANILA, Philippines - Kukuha ng 60,000 mga bagong guro ang DeÂpartÂment of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan sa mga pampublikong paaralan makaraang maaprubahan na ang pondo para sa pagpapasahod sa mga ito.
Iniulat ng DepEd ang pag-apruba ng Department of Budget and Ma nagement (DBM) sa dagdag na 61,510 teacher items para sa fiscal year 2013. Ito ay upang mabawasan ang pagkukulang ng ahensya sa mga guro sa pampublikong elementarya at high school sa buong bansa.
Base sa DepEd Order no. 23 series of 2013, ang mga guro na mare-redeploy sa ibang lugar ay makakatanggap ng isang beses na “redeployment allowance†na P18,000.
Inatasan ni Education Sec. Armin Luistro ang mga school heads na may sobrang mga guro na lumikha ng imben taryo sa kanilang mga guro kabilang ang lebel ng tinuturuan at asignatura upang pagbasehan ng kuÂwalipikasyon. Maaaring gumawa ang mga guro na nais ma-redeploy ng “letter of intent†sa kaÂnilang mga “division suÂperinÂtendentsâ€.
Samantala, iniulat naman ni Education Undersecretary Alberto Muyot, pinuno ng Elections Task Force, na malaki ngayon ang natipid ng pamahalaan hindi lamang sa pera maging sa oras ng mga guro na nagsilbi sa nakalipas na halalan dahil sa “automated electionâ€.
Bukod dito, hindi rin gaanong nahirapan ang mga guro at nabawasan ang karahasan at peÂligro sa buhay ng kanilang mga guro. Naiulat naman na may limang gurong naÂsaktan na iniimbestigahan na ngayon ng DepEd kung may kaugnayan sa halalan.
Sa dating manu-maÂnong halalan, karaniwang umaabot ng higit tatlong araw ang pamamahala ng mga guro habang ang iba ay hindi na nagagawang makatulog at makapaligo man lamang pero ngayon ay mahigit sa isang araw lang ay tapos na ang obÂligasyon ng mga guro sa nakalipas na midterm election.