MANILA, Philippines - Nakatitiyak si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na maipapaliwanag ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino ang biglang pagtaas ng kanyang assets noong 2012 na halos naging doble kumpara noong 2011.
Sinabi ni Valte, hindi pa nila nakakausap si Tolentino partikular sa pinakahuli nitong Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) pero tiyak aniyang maipapaliwanag nito ang biglang paglobo ng kanyang kayamanan.
Itinuturing na “biggest gainer†sa hanay ng mga miyembro ng gabinete si Tolentino na mula sa P22,540,381.52 noong 2011 ay naging P43,773,691.02 noong 2012 o nadagdagan ng mahigit sa P20M
“I would have not spoken to Chairman Tolentino about that, but I’m sure he will be happy to explain, to shed light on this. But I don’t think he was the biggest gainer,†ani Valte.
Samantala, pinaka-mayaman pa rin sa mga miyembro ng gabinete ng Pangulo si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na may net worth na P705,481,105.13.
Sinabi ni Valte, posibleng nadagdagan ang yaman ng ibang miyembro ng gabinete dahil ang iba sa kanila ay kumita sa stocks pero meron din naman mas lumiit ang kayamanan katulad nina Education Secretary Bro. Armin Luistro at si Presidential Adviser to the Peace Process Secretary Ging Deles.