^

Bansa

12 Pinay dedo araw-araw sa cervical cancer - DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May kabuuang umanong 12 Pinay ang  namamatay araw-araw dahil sa sakit na   cervical cancer.

Ayon kay Dr.  Eduardo C.  Janairo Jr., director  ng Department of Health- National Capital Region, ito ay  base sa pinalabas na datos ng Philippine Cancer Facts and Estimates  noong  2010, ang  cervical cancer o ang  cancer of the cervix  ay  ikalawang common cancer sa kababaihan.

Lumilitaw na mayroong 6,000 new cases ng cervical cancer  taun-taon at 12 Pinay ang umano ay namamatay araw-araw dahil dito.

Napag-alaman din na sa buong mundo ay   500,000 kababaihan ang na-diagnosed na may cervical cancer at sa naturang bilang 250,000 ay inulat na namatay worldwide.

Wala umanong nakikitang sintomas sa unang stage ng cervical cancer ngunit sa katagalan ay nakikitang senyales nito ay ang pagkakaroon ng abnormal vaginal bleeding, na kadalasan ay nagaganap matapos ang pakikipagtalik at abnormal vaginal discharge.

Payo ni Dr. Janairo sa mga kababaihan na mag-avail ng libreng cervical screening   sa mga government hospital sa bansa.

AYON

CANCER

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. JANAIRO

EDUARDO C

JANAIRO JR.

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE CANCER FACTS AND ESTIMATES

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with