‘Pader’ sa pulitika pinataob ni Acosta
MANILA, Philippines - Pinataob at gumuhit ng kasaysayan sa pulitika ang bata at baguhang pulitiko na si Malou Acosta makaraang manalo bilang bagong Congresswoman at talunin nito ang itinutuÂring na ‘pader’ beterano at higanteng kandidato sa Bukidnon sa katatapos 2013 mid-term elections.
Tinibag sa puwesto ni Acosta ang mahigpit niyang katunggali na si incumbent Congressman Jesus Paras.
Si Acosta ay nakababatang kapatid ni Laguna Lake Development Authority General Manager at Secretary for Environmental Protection Nereus “Neric†Acosta.
Nakapagtala si Acosta ng kabuuang 50,163 votes at lumamang ito ng mahiÂgit labing isang libong boto kay Paras. Taos-pusong nagpapasalamat si Acosta sa lahat ng kanyang mga tagasuporta at sa lahat ng mga nagdala sa kanya sa tagumpay.
“Ang pagtitiwala ring ito ang magbibigay sa akin ng inspirasyon para manindigan at magsulong ng mga prograÂmang makatotohanan at tunay na naglilingkod sa sambayanan,†ayon kay Acosta.
Nagpaabot din ng paÂsasalamat si Acosta kay Paras na maagang nag-concede at nagpahayag ng kanyang pagtanggap sa resulta ng eleksyon.
Bilang bagong kinatawan sa Kongreso, plano naman ni Acosta na bigyan ng prayoridad ang kalikasan, kabataan at kababaihan.
- Latest