MANILA, Philippines - Nangibabaw umano sa nakalipas na midterm election ang pera dahil sa ulat na pagkakaroon ng ‘massive vote buying’ sa buong bansa.
Ayon kina Sorsogon Bishop Arturo Bastes, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Urdaneta Pangasinan Bishop Mario Peralta, CBCP-NASSA chairman Bishop Broderick Pabillo, Basilan Bishop Martin Jumoad, Butuan Bishop Juan de dios Pueblos at Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, lalo pa umanong lumubha ang insidente ng vote buying sa alinmang lugar sa bansa.
Sinabi ng mga Obispo, indikasyon lamang umano na kulang pa sa political maturity ang mga botanteng Pinoy dahil mas nangingibabaw sa nakalipas na halalan ang name recall, popularity at political dynasty.
Ikinalulungkot ni Bishop Ongtioco ang katotohanan na laganap pa rin ang bentahan at bilihan ng boto mula Luzon, Mindanao at Visayas.
Aminado naman si Bishop Jumoad na ang kahirapan at gutom na mga politiko din ang may gawa at nagtulak sa mga mamamayan na tumanggap ng pera sa mga kandidato na siyang magpapahirap na naman sa bayan.
Ani Bishop Jumoad, ang katotohanang ito ang magsisilbing hamon sa Simbahang Katolika na lalo pang palalimin at pag-ibayuhin ang voters education dahil sa umiiral na “values crisis†sa Pilipinas.