Magpinsan todas sa hit and run

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang dalawang kabataang lalaki na magpinsan makaraang mabundol ng isang rumaragasang kotse kung saan tumakas ang tsuper nito, nitong nakalipas na Linggo sa Makati City.

Nakilala ang mga nasawi na sina John Mile Oroyo, 14, Grade 7 ng Pio Del Pilar High School at pinsang si Roberto Hernandez, 19, kapwa resi­dente ng 1231 C Francisco St., Barangay Kasilawan, Makati City.

Nanawagan kahapon ang pamilya ng mga bik­tima ng nakabundol na Honda Civic na makon­ sensya sa kanyang ginawa at sumuko sa pulisya upang panagutan ang nagawang krimen.

Sa naantalang ulat ng Makati Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente madaling-araw nitong nakalipas na araw ng Linggo. Lulan ang mag­­ pinsan ng isang motorsiklo sa may JP Rizal Street sa Pasong Tirad nang biglang salpukin ng rumaragasang Honda Civic.

Sa halip na tulungan, pinaharurot ng hindi naki­la­lang tsuper ang kotse at tumakas habang hindi na­man nakuha ang plaka ng sasakyan.

Ilang mga residente sa lugar ang nagmalasakit na isugod ang magpinsan sa Sta. Ana Hospital kung saan idineklarang dead on arrival si Oroyo habang nasawi rin makaraan ang ilang oras si Hernandez.

Show comments