MANILA, Philippines - Nabulabog muli ang mansion ni Senador Ramon “Bong “Revilla Jr. matapos na muli itong palibutan ng puwersa ng PNP sa standoff part II sa Barangay Panapaan, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.
Sa skype teleconfeÂrence sa Camp Crame, sinabi ni P/Chief Supt. Rommel Estolano, spokesÂman ng Cavite PNP, naniniwala ang pulisya na may mga loose firearms sa mansion ni Senador Revilla kung saan nagtatago ang nasa 30-armadong ahente ng NBI.
Sinabi ni Estolano na hinihintay pa nila ang search warrant na iisyu ng mababang korte bago pasukin ang mansion ni Revilla.
Noong Lunes ng araw ng eleksyon ay pinalibutan ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Regional Provincial Safety Battalion (RPSB) at Bacoor City PNP ang mansion ni Revilla matapos na magtago rito ang mga armadong kalalakihan na tinugis ng pulisya.
Naaresto ang limang confidential agents ng NBI at isa nitong organic personnel na ayon kay Estolano ay kinasuhan ng usurpation of authoÂrity, paglabag sa election gun ban at hindi awtorisadong pagsusuot ng uniporme bagaman nakalaya matapos na magpiyansa.
Samantala, inakusahan naman ni Sen. Revilla ang Cavite PNP ng political harassment dahil sa pagpapagamit sa kanilang mga kalaban sa pulitika.
Sa panig ni Revilla, sinabi nito sa television interview na hihilingin niya sa korte na mag-isyu ng ‘writ of amparo’ upang huminto ang PNP sa pangÂha-harass sa kaniyang pamilya.
Idinagdag pa nito na sa pagbubukas muli ng sesyon ng Senado ay magsusumite siya ng reÂsolusyon upang paimÂbestigahan ang insidente.
Bilang tugon, inihayag naman ni PNP Spokesman P/Chief Supt. GeÂneroso Cerbo Jr. na handa ang kapulisan na humarap sa ipatatawag na imbestigasyon ni Sen. Revilla sa Senado.