MANILA, Philippines - Humingi na ng paumanhin si Pangulong Benigno Aquino III sa Taiwanese government kaugnay sa pagkamatay ng isang Taiwanese fisherÂman na nabaril at napatay ng Philippine Coast Guard noong Mayo 8 sa karagatan ng Batanes.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin LacierÂda, mismong si Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairman Amadeo Perez ang inatasan ni Pangulong Aquino upang ipahatid ang public apology ng gobyerno sa Taiwan government.
Ayon pa kay Sec. Lacierda, walang kinalaman ang ginawang ultimatum ng Taiwan government sa ginawang public apology ni Pangulong Aquino.
“It was a personal decision on the part of the President to convey-to authorize Chairman Perez as his personal representative to convey his personal apologies to the family of Mr. Hung Shi-chen,†wika pa ni Sec. Lacierda.
Magugunita na nagÂbanta ang Taiwan governÂment sa pangunguna ni President Ma Ying-jeou na kapag hindi humingi ng public apoloÂgy ang Aquino government at nagbayad ng tamang kompensasyon sa napaslang na 65-year old na taiwanese fisherman ay ipapatupad nito ang freeze sa hiring ng mga OFW’s.
Inatasan na rin ng Pangulo ang National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang insidente kung saan napatay ang Taiwanese fisherman.
Iginiit ni Lacierda na umaapela din sila sa Taiwan government na huwag idamay ang mga OFW’s na naroroon sa Taiwan dahil sa Âinsidente.
Aniya, naroroon ang mga OFW’s upang magtrabaho ng disente kasabay ang paglilinaw na magiging patas ang gagawing imbestigasyon ng NBI sa insidente.
Idinagdag pa ni LaÂcierda, maging ang mga Pinoy na nasa Taiwan ay nagbigay ng kanilang kusang-loob na tulong sa nasawing Taiwanese fisherman.