MANILA, Philippines - Kahit pa hindi inendorso, mataas pa rin ang respeto ni Senator Francis “Chiz†Escudero sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC).
Si Escudero ay pasok pa rin sa top 5 kahit hindi nakasama sa mga tumakbong senador na nakakuha ng basbas ng INC.
Ayon kay Escudero, hindi siya nagpapalabas ng pahayag na walang magiging epekto sa kanyang kandidura ang endorsement ng INC.
Anang senador, kahit sinong kandidato ay matutuwa kapag inendorso sila ng sinumang grupo lalo na ng INC.
Kabilang sa mga inendorso ng INC sa katatapos na May 13 mid-term elections ay sina Aurora Rep. Sonny Angara, Bam Aquino, Las Piñas Rep. Cynthia Villar, Grace Poe at re-electionist Senators Loren Legarda, Alan CaÂyetano at Antonio Trillanes ng Team PNoy.
Sa hanay ng mga UNA candidates inendorso rin sina Nancy Binay, dating Senator Richard Gordon, San Juan Rep. JV Ejercito, Cagayan Rep. Jack Enrile, at re-electionist Sen. Gregorio Honasan.
Sa pinakahuling partial at official tally ng Commission on Elections kahapon, hindi kasama sa top 12 sina Enrile at Gordon kahit pa inendorso sila ng INC.