^

Bansa

PCSO, may lotto draw ngayong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Jose Ferdinand Rojas II na mayroong lotto draw ang PCSO ngayong Lunes, araw ng halalan.

Ayon kay GM Rojas ng PCSO, tuloy ang lotto, Keno at Small Town Lottery tickets kahit sa araw ng eleksyon.

Wika pa ni GM Rojas, nagpapasalamat sila ni Chairperson Margie Juico sa lahat ng tumatangkilik sa PCSO games tulad ng lotto.

Paliwanag pa ni Rojas, 30 percent ng kinikita ng PCSO ay napupunta sa Charity fund na para sa iba’t ibang social programs nito na nakatuon sa medical at health-related assistance sa mga qualified-benificiaries.

Ang 55 percent naman ay napupunta sa Prize Fund habang ang 15 percent ay para sa operations ng PCSO.

Nitong Mayo 3 ay binuksan nina Juico at Rojas ang pinakabagong branch ng PCSO sa Benguet.

“We thank the public for their warm-hearted support of PCSO games which raise revenues for the Charity Fund and allow us to help more Filipinos nationwide,” giit pa ni Rojas.

AYON

CHAIRPERSON MARGIE JUICO

CHARITY FUND

JOSE FERDINAND ROJAS

NITONG MAYO

PCSO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PRIZE FUND

ROJAS

SMALL TOWN LOTTERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with