MANILA, Philippines - Nag-sorry ang Philippine Coast Guard sa pamilÂya ng Taiwanese na nasawi na lulan ng isa sa mga fishing vessels na illegal na nangingisda sa karagatan ng Pilipinas sa area ng Batanes.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang gobyerno ng Pilipinas ay ipinapahatid ang sinserong paghingi ng paumanhin at pakikiramay sa pamilya ng Taiwanese fisherman na nasawi noong Mayo 9 sa engkwentro sa mga PCG sa Batanes.
“We extend our sincere and deepest sympathies and condolences to the bereaved family of the victim,†wika pa ni Usec. Valte.
Aniya, nagtungo na mismo si Mr. Antonio Basilio, kinatawan ng Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan, sa pamilya ng Taiwanesae na nasawi sa insidente upang ihatid ang paghingi ng paumanhin ng gobyerno.
Nagbanta ang Taiwan government na magpapatupad ng freeze hiring ng mga OFW’s sa Taiwan kapag hindi humingi ng dispensa ang gobyerno ng Pilipinas.