MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ni Bangon Pilipinas senatorial candidate Bro. Eddie Villanueva na papasok siya sa top 12 ng mananalong senador dahil sa mainit na pagtanggap at malaking suporta na ipinagkaloob sa kanyang kandidatura ng iba’t-ibang religious at political groups sa buong bansa.
Sa Miting de Avance sa Quezon City Circle kahapon na dinaluhan ng libo-libong tagasuporta, lubos ang pasasalamat ni Villanueva sa mga nag-indorso at tumulong sa kanyang kampanya sa pagka-senador.
Ani Villanueva, ang pagsuporta sa kanya ng ibat-ibang grupo ay dahil sa adbokasiya nito na tuwid na pamamahala at paglaban ng katiwalian sa pamahalaan at mga patakaran na pakikinabangan ng mga mahihirap upang umangat ang kanilang kabuhayan.
“Ang mithiin ko ay mapaunlad ang kabuhayan ng mga saguiguilid o yung nasa marginalized sectors sa pamamagitan ng pagbibigay ng disenteng trabaho, libreng edukasyon at gamutan upang sa ganun ay sumulong ang ating bansa,†wika ni Villanueva.