^

Bansa

1st Kabagis kasama sa eleksiyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niliwanag ngayon ng 1st Kabagis at Senior Citizen partylist na kabilang pa rin sila sa mga pwedeng iboto sa eleksyon bukas.

Ayon kay Miko Magsaysay, 1st nominee ng 1st Kabagis partylist group na wala silang natatanggap na Comelec resolution na nagsasabi na sila ay disqualified sa eleksyon bukas.

“Personal po akong nagpunta sa tanggapan ng Comelec kasama ang mga nominee ng senior citizen matapos naming mabalitaan na kami raw ay disqualify pero wala pong maipakita ang mga opisyales nila na reso­lusyon ukol sa aming disqualification” sabi ni Magsaysay.

Ayon naman kay Roger Wanasen, national global chairman ng 1st Kabagis, matagal ng tapos ang official ballot ng Comelec at nagsisimula na ang absentee voting kaya imposible na sila ay matanggal sa talaan ng mga iboboto.

Ang 1st Kabagis na No. 88 sa balota at No. 129 naman ang Senior Citizen ay nagsasabing mga kalaban lamang umano nila ang nagsasabing sila ay disqualify.

Nanawagan si Wana­sen sa lahat ng mga opisyal at kasapi ng 1st Kabagis na tuloy ang kanilang laban at hindi dapat mawalan ng saysay ang kanilang mga pinaghirapan para sa grupo.

 

1ST

AYON

COMELEC

KABAGIS

MAGSAYSAY

MIKO MAGSAYSAY

ROGER WANASEN

SENIOR CITIZEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with