MANILA, Philippines - Tiyak na ang panalo ng PNoy Yellow Power sa Caloocan City, partikular na sa mayoralty race, matapos lumabas ang pinakahuÂling survey ng Pulse Asia na nagpapakita ng kalamangan ng mga kandidato mula sa Liberal Party kontra sa mahigpit nilang katunggaling partido na United Nationalist Alliance (UNA).
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, lumitaw sa huling resulta ng survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Mayo 1-2 ang pagkalamang ni LP mayoraly candidate RJ Echiverri laban sa kalaban na si Rep. Oca Malapitan ng UNA. Nakakuha si RJ ng 47 porsyento laban sa 45 porsyento ni Malapitan.
Isinagawa ang face-to-face interview sa mga respondents mula sa una at ikalawang distrito ng siyudad kung saan lumitaw na ang ang nakararaming botante sa 102 mula sa 188 barangay sa Caloocan ang pabor na ang batang Echiverri ang susunod nilang maging alkalde ng lungsod.
Ang 2 porsyentong lamang ni RJ laban kay Malapitan ay inaasahang lalo pang magpapalawak sa agwat ng distansya ng kanilang laban dahil kumakatawan ito sa mahigit na 11,000 boto.
Naniniwala ang nakararaming residente ng Caloocan na mas magiging mahusay na lider si RJ dahil sa kanyang edukasyon at karanasan sa pulitika, dagdag pa ang mga natutuhan niya sa pamumuno ng kanyang amang si Mayor Enrico Echiverri.
Samantala, nakatitiyak na rin ng tagumpay sa pagiging kongresista ng Unang Distrito ng Caloocan ang nakatatandang Echiverri matapos itong makakopo ng 56 porsyento laban sa 36 porsyento na nakuha ni Coun. Along Malapitan.