Angara bitbit ng Iglesia, Quiboloy, Muslim group
MANILA, Philippines - Kabi-kabila ang mga grupong relihiyoso at tiniÂtingalang personalidad na sumusuporta sa kandidatura sa pagkasenador ni Aurora Rep. Edgardo “Sonny†Angara.
Kamakailan, lumutang ang pangalan ni Angara sa listahan ng mga bibitbiting kandidato ng maimpluwensiyang Iglesia Ni Cristo sa halalan sa Lunes.
Samantala, sa pamamagitan ng isang press conference sa Davao noong Huwebes, pormal na ring inihayag ni Pastor Apollo Quiboloy, tanyag na lider ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, ang pagsuporta nito kay Angara.
Nitong Biyernes naman, inindorso rin si Angara ng isang malaking Muslim community sa Maharlika, Taguig. Pinangunahan ni Brgy. Captain Yasser Garnace Pangandaman ng Maharlika Village at miyembro ng isang tanyag na Muslim royal family ang pagpapahayag ng suporta ng grupo kay Angara.
Malugod naman itong tinanggap ni Angara sabay sabing “hindi masasayang ang tiwala niyo sapagkat sakaling ako po ay palaring maging senador, susuklian po natin ito ng tapat na paglilingkod.â€
Si Angara ang itinutuÂring isa sa pinaka-prolific na miyembro ng Kongreso. Isa sa siya sa may pinakamaraming naipasang batas simula taong 2004.
Si Angara ang nag-akda ng ilang mahahalagang legislations tulad ng Kindergarten Act, Expanded Senior Citizen Act, Magna Carta for Women, Tourism Act at marami pa na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, karapatan at kabuhayan.
- Latest