MANILA, Philippines - Ang P163 bilyong bahagi ng badyet ng bansa para sa taong 2014 na wala pang tiyak na pagÂlalaanan ay dapat na gamitin sa edukasyon, kalusugan at mga programa na magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino, sinabi ngayon ni Team PNoy senatorial candidate Edgardo “Sonny†Angara.
“Pagkatapos ng edukasyon, susunod ang kalusugan at ang programang magbibigay ng maraming trabaho. Ang iminungkahing badyet ng bansa para sa 2014 ay P2.27 bilyon ngunit P163 bilyon dito ang walang tiyak na paggagamitan†sinabi ni Angara.
Binigyang diin ng mambabatas ng Aurora na ang edukasyon ang pangunahing susi upang mapaunlad ang kabuhaÂyan ng Pilipino. Dapat lamang aniya, na palawakin pa ang mga benepisyong binibigay ng Conditional Cash Transfer (CCT) o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, sa pamamagitan ng paglalaan ng isang scholarship sa isang anak ng bawat pamilyang benepisyaryo ng programa.
Isa pang mahalagang programa na nangangaÂilangan ng pondo ay ang pagtataas ng sahod ng mga guro sa publikong paaralan hanggang sa P33,000 kada buwan.
Sinabi rin ni Angara na binibigyan ng mabigat na pagpapahalaga ng administrasyong Aquino ang mga programa sa imprastraktura, pati na ang mga daan para sa pagpapaunlad ng turismo sa bansa.
Sinabi ni Angara na dahil sa mga proyekto ng pamahalaan sa pagsasaayos ng mga lansangan patungo sa silangang baybaying dagat kasama na ang lalawigan ng Aurora, nakakaranas na ngayon ang lalawigan ng pagdagsa ng turista.