MANILA, Philippines - Nagbigay na rin ng suporta ang maimpluwenÂsyang religious group na Iglesia Ni Cristo (INC) sa 1-SAGIP (Social Amelioration and Genuine Intervention on Poverty) Party List.
Sinabi ni Monica Lau, presidente ng 1-SAGIP, ang boto ng INC vote ay masyadong crucial sa lahat ng sinumang kandidato dahil sa solid block vote ng mga ito.
Dahil na rin sa hayagang pagsuporta ng INC sa 1-SAGIP kaya mas lalo umano inspirado ang kanilang grupo na isulong ang kanilang adbokasiya na labanan ang kahirapan at tulungan ang marginaÂlized sectors.
Base sa mga political analyst ang pag-eendorso mula solidong boto ng INC ay makakakuha ng 3-5 milyon boto.
Ang 1-SAGIP ay baÂgong tatag na party list na nagre represrenta sa urban poor sector at kaagad inaprubahan ng Comelec ang kanilang registration sa pangunguna ng kanilang first nominee na si Erlinda Santiago na isang retired teacher at distrubutor ng mga libro pang elementarya sa buong bansa.
Ang 1-SAGIP ay pang 118 sa balota.