Alcala pinili ng INC

MANILA, Philippines - Dumarami na ang mga grupong relihiyoso na sumusuporta sa kandidatong gobernador sa Quezon na si Irvin Alcala ng Liberal Party.

Nauna rito, opisyal nang ipinahayag ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo ang pagsuporta kay Alcala na anak ni Agriculture Secretary Proseso Alcala. Merong halos 100,000 rehistradong botanteng miyembro ng INC sa Quezon.

Bukod sa batang Alcala, sinusuportahan din ng INC ang team mate niya o kandidato niyang bise gobernador na si Sam Nantes.

Nabatid na ang kandidatura ng batang Alcala ay puspusang isinusulong ng Christian-Catholic votes upang umano’y matiyak ang pagbabago ng liderato sa Kapitolyo at maisulong ang tunay na serbisyo sa mamamayan ng Quezon sa pamamaraang “tuwid na daan.”

Ang pagpili rin umano ng maimpluwensiyang INC sa tambalang Alcala-Nantes ay unanimous, o sabayang inendorso sa kanilang central office ng lahat ng lokal na pamunuan sa apat na distrito ng lalawigan samantalang ina­asahan naman anomang oras ang pagpapahayag ni Quezon Bishop Emilio Marquez ng Catholic votes’ support sa batang Alcala.

Nauna rito, nagpaha­yag na rin ng buong suporta ang Christian-solid votes ng grupo ni El Shaddai leader Mike Velarde sa tandem nina Alcala at Nantes dahil tumutugma ang reputasyon at track record ng dalawang kandidato sa mga isinusulong na mithiin ng nasabing kongregasyon.

Ang nasa likod ng pinag-isang suporta kay Alcala ng maraming religious groups sa dara­ting na Lunes ay tinawag sa lalawigan ng Quezon na Solidarity Vote Movement upang gabayan ang umano’y wastong pagpili ng kandidatong karapat-dapat humawak ng poder sa lokal na gobyerno.

Show comments