MANILA, Philippines - Ang extreme leftist organizations umano ang nasa likod ng Commission on Elections (Comelec) kaya nagdesisyon ito na idiskwalipika ang 12 partylist groups na makasali sa May 3 elections.
Ito ang nakalap ni Abang Lingkod partylist, chairman Dionision Manuel, isang organisasyon na nirerepresenta ang agricultural sector, kayat nanawagan ito sa kanilang mga taga suporta na balewalain ang ulat na hindi na sila makakasali sa darating na election at ang kanilang pangalan ay nanatili pa rin sa listahan bilang number 136 sa balota. Umalma din si Manuel dahil sa pagtatangka ng kanyang mga kalaban na papaniwalain ang kanilang mga miyembro at supporters na ang ipinalabas na kautusan ng Comelec na nagdidiskwalipika sa Abang Lingkod ay pinal na at hindi na maaaring iapela.
Kaagad maghahain ng pleadings ang kanilang abogado upang isulong ang karapatan ng kanilang grupo at nanatili pa rin na nasa listahan sa balota ang kanilang organisasyon dahil hindi pa naman executory ang desisÂyon ng Comelec.