MANILA, Philippines - Isa si Benigno Bam Aquino sa mga inendorso ng grupong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), isa sa mga pinakamalaking grupo ng mga manggagawa sa buong bansa.
Ang TUCP ay may humigit-kumulang na 1.2 milyon miyembro mula sa halos 30 federations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Mayroon rin itong mga miyembro mula sa mga OFW, informal sector, mga driver, urban poor, mga kabataan, mga kooperatiba, at iba pang mga alyansa, coalitions, at civil society groups.
Ang pag-endorso ay pinangunahan ni TUCP partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza, at kinabilangan ng iba pang mga kandidatong sinusuportahan ng TUCP.
Ayon sa TUCP, si Aquino ay kabilang sa mga senatorial bets na “ipinakita ang kanilang paninindigan na suportahan ang ‘legislated wage increase’ sa 16th Congress.â€
Napag-usapan rin ng TUCP at ni Bam ang pagrepaso at pagsulong ng mas marami pang mga “pro-worker policiesâ€, lalung-lalo na pagdating sa contractualization.