MANILA, Philippines - Pinakamaraming nagawa ang mga komite na pinamumunuan ni reelectionist Sen. Chiz Escudero pagdating sa mga pagdinig sa mga panukalang batas na inihahain dito.
Sa rekord ng Senado, ang committee on justice and human rights at committee on environment and natural resources kung saan parehong chairman si Escudero ay duminig at kumilos sa lahat ng mga panukalang batas na idinulog dito kumpara sa 3,830 na mga panukala at resolusyon na nananatiling pending sa ibang mga komite ng Senado hanggang Abril 4, 2013.
Ang kanyang committee on environment and natural resources naman ay duminig at kumilos sa lahat ng mga panukalang batas na idinulog dito, kabilang na ang Climate Change Act of 2008 kung saan co-author si Escudero. “Ang sinumang kumakampanya ng masipag upang mahalal ay dapat maging masipag rin, kung hindi mas masipag pa, kapag pinagkatiwalaan na ng mandato ng mga botante. Wala kaming dapat ipagmalaki; ginawa lang namin ang dapat, ang aming trabaho,†ayon sa senador. Sa isang panayam, sinabi ni Escudero na patunay ang data sa kung paano nagtrabaho ang kanyang tanggapan ayon sa interes ng publiko sa kabuuan ng 15th Congress. Ang committee on justice and human rights ni Escudero ay nagpasa ng lahat ng panukalang lumikha ng karagdagang 281 na mga korte sa buong bansa.