MANILA, Philippines - Kung pagbabasehan lang ang mga boto sa social media ng mga netizens ay tiyak na ang pag-upo sa senado nina Bro. Eddie Villanueva, Grace Poe at Bam Aquino sa magaganap na senatorial race sa May 13 elections.
Ayon sa Astrolabe, isang risk and crisis management firm, ang lone senatorial candidate ng Bangon Pilipinas ang pinaka-popular na senatorial candidate at nanguÂnguna ito sa mga usap-usapan sa social networking sites katulad ng Facebook at Twitter.
Batay sa datos na tinipon ng C-18 Research na inanalisa ng Astrolabe, ang mga nasabing kandidato ay may pinakamaraming positibong reaksyon mula sa mga botante hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Maliban kay Villanueva, Poe at Aquino, ang iba pang bumuo sa Magic 12 ay sina Chiz Escudero, Risa Hontiveros, Sonny Angara, JV Ejercito, Loren Legarda, Koko Pimentel, Cynthia Villar, Teddy Casiño at Dick Gordon.
Ang mga positibong pananaw ng mga netizens sa mga nasabing kandidato ay nagpasimula pa noong Feb. 7, bago magsimula ang campaign period sa mga senators at mga party-list candidates noong Feb. 12, hanggang April 30. Batay sa pagsusuri ng C-18 Research, umabot sa 183,000 ang usap-usapan hinggil sa eleksyon sa mga networking sites.
Nagpasalamat naman si Villanueva sa kanyang mga taga-suporta . Ani Villanueva: “I wish to thank the netizens for their unwavering support. It strengthens our resolve to serve the country and Filipinos with the grace of God.â€