MANILA, Philippines - Pinatalsik ng Supreme Court (SC) sa kanyang puwesto ang bise-gobernador ng Palawan na si Clara Espiritu-Reyes, asawa ng dating gobernador na si Joel Reyes dahil sa pandaraya sa kanyang isinumiteng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC).
Batay sa naging desisyon ng SC na kumatig din sa naunang pasiya ng COMELEC, na nagsabing guilty si Reyes sa “material misrepresentation†sa kaniyang isinumiteng COC sa pagtakbo niya noong May 2010 elections.
Nakasaad sa desisyon na nabigo umano si Reyes na patunayan na siya ay permanenteng residente ng Barangay Tigman sa bayan ng Aborlan, sakop ng ikalawang distrito ng Palawan kung saan siya ay tumatakbo naman ngayon bilang gobernador.
Nakasaad sa resolusÂyon ng SC na walang pag-abuso sa kapangyarihan ang poll body nang magpasiya sa reklamo laban kay Reyes.