^

Bansa

Vice Gov. ng Palawan, pinatalsik sa puwesto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatalsik ng Supreme Court (SC) sa kanyang puwesto ang bise-gobernador ng Palawan na si Clara Espiritu-Reyes, asawa  ng dating gobernador na si Joel Reyes dahil sa pandaraya sa kanyang isinumiteng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC).

Batay sa naging desisyon ng SC na kumatig din sa naunang pasiya ng COMELEC, na nagsabing guilty si Reyes sa “material misrepresentation” sa kaniyang isinumiteng COC sa pagtakbo niya noong May 2010 elections.

Nakasaad sa desisyon na nabigo umano si Reyes na  patunayan na siya ay permanenteng residente ng Barangay  Tigman sa bayan ng Aborlan, sakop ng ikalawang distrito ng Palawan kung saan siya ay tumatakbo  naman  ngayon bilang  gobernador.

Nakasaad sa resolus­yon ng SC na walang pag-abuso sa kapangyarihan ang poll body nang magpasiya sa reklamo laban kay Reyes.

 

ABORLAN

BATAY

CERTIFICATE OF CANDIDACY

CLARA ESPIRITU-REYES

JOEL REYES

NAKASAAD

PALAWAN

REYES

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with