AFP may bagong spokesman

MANILA, Philippines - May bago nang tagapagsalita ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa katauhan ni Brig. General­ Domingo J. Tutaan Jr., kapalit ni Col. Arnulfo Burgos Jr. Si Tutaan, dating AFP human rights office chief ay pumalit kay Burgos na kasalukuyang may hawak sa puwesto ng AFP public affairs office at AFP spokesman, ay itinalaga naman bilang hepe ng Civil Military Operations Group ng Philippine Army nitong May 1. Ang PAO ay nakatakdang ilipat ni Burgos kay Maj. Ramon P. Zagala.

Bilang Internal auditor, tutukan ni Tutaan ang fiscal administration ng AFP units at mga tanggapan. Giit ng opisyal, ang matalinong pagpasya at maingat na paggamit yaman, lalo na sa pondo ang pangunahing konsiderasyon niya sa pag-upo sa tungkulin.

 

Show comments