MANILA, Philippines - Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong tax evasion sa Court of Tax Appeals (CTA) laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
May nakitang proÂbable cause umano ang DOJ para isampa na ang kaso na inihain ng Bureau of InternaÂl Revenue (BIR) kung saan inakusahan nito ang dating punong mahistrado ng pagtatangka na umiwas sa pagbabayad ng tax liabilities na umano’y isang paglabag sa Section 254 ng National Internal ReÂvenue Code of 1997.
Nabigo umano na magsumite ng returns at magdeklara ng tamang tax information para sa taong 2003, 2005, 2007, 2008, at 2010 si Corona, bukod pa sa hindi pagdedeklara ng kaniyang statement of assets and liabilities (SALN) ang condominium unit sa The Columns sa Ayala AveÂnue, na nabili niya sa halagang P3.6 milyon noong 2004, at ang property sa Fort Bonifacio na nagkakahalaga ng P9.16 M na nabili naman niya nuong 2005.
Aabot umano sa P120.5 M ang utang sa buwis ni Corona sa loob ng 9 na taon niya sa public office.