MANILA, Philippines - Mas mataas na parusa para sa mga maguÂlang na mabibigong magÂbigay ng suporta at obligasyon sa kanilang mga anak ang isusulong ni Manila 4th district Rep. Ma. Theresa Bonoan-David
Sa pagbubukas ng 16th Congress ay muli nitong ihahain ang House bill 5132 na magbibigay parusa sa mga magulang na tatakasan ang kaÂniÂlang financial responsibiÂlity sa kanilang mga anak.
Polisiya umano ng estado na protektahan ang karapatan ng mga bata kabilang na dito ang pagbibigay ng tamang pag-aalaga at nutrisyon at proteksyon mula sa lahat ng uri ng pang-aabuso, kalupitan at exploitation.
Nakasaad din sa Article 105 ng Family Code na obligado ang mga maÂgulang na suportahan ang kanilang mga anak maging legitimate o illegitimate man.
Bagamat obligasyon umano na suportahan ang anak ng parehong magulang, mayroon pa ring iilan na tumatangging magbigay ng financial support sa kanilang mga anak kahit na may kakayahan naman ang mga ito.