Loren suportado ng TUCP
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng todo-suporta ang malaking labor group sa kandidatura ni Team PNoy senatorial bet Loren Legarda dahil sa pagiging pro-labor advocacy nito.
Nagpasalamat naman si Sen. Legarda sa suporta ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya matapos siguruhin ng 1.2 imilyong miyembro nito ang boto sa kanya.
Inendorso kamakailan ng TUCP sa pamumuno ng sectoral Rep. nitong si Raymond Democrito ang re-election bid ni Loren sa darating na senatorial race.
Bukod kay Loren ay inendorso din ng TUCP sina Bam Aquino, Cynthia Villar at Rissa Hontiveros ng Team PNoy at Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas.
Sinuportahan ng TUCP si Loren dahil sa mga pro-labor legislation nito at ang mga panukalang batas para sa proteksyon at kagalingan ng mga manggaÂgawa sa bansa gayundin ng mga OFW’s.
Si Legarda din ang nagsulong sa ratipikasyon ng 19 treaties para protektahan ang mga migrant workersÂ, ang ILO Convention 189 on Decent Work for DoÂmestic Workers, Maritime Labour Convention (MLC) for the protection of the rights of seafarers; at ConÂvention on Social Security between the Philippines and Spain.
- Latest