MANILA, Philippines - Iniatras ng ilang residente ang reklamong vote-buying na isinampa nila sa Commission on Elections laban kay Quezon City 3rd District Rep. Jorge†Bolet†Banal.
Sa kanyang Affidavit to Withdraw Complaint sa Comelec, sinabi ni Danilo Florano, residente ng Brgy. Pansol, na “isinubo†lamang sa kanya ang sinasabing reklamo ng mga kalaban ni Banal.
“Hindi po pinabasa sa amin ang complaint na agad pinapirmahan sa amin. Nagulat ako nang malaman ko na gagwin pala akong complainant laban kay Cong. Banal sa kaso raw na vote-buying. Para na rin sa kapanatagan ng aking kalooban ay iniuurong ko ang reklamo,†paliwanag ni Florano.
Katuwang ni Banal ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon at ang good governance advocacy group na Kaya Natin sa pamamahagi ng mga gift vouchers na ito para sa mga mag-aaral ng public schools noong Marso bago sumapit ang itinakdang ban ng Comelec.
Tinawag itong vote-buying ng United Nationalist Alliance (UNA) at ng kampo ni Mat Defensor at tinangkang pigilan ang pamamalit ng gift vouchers gamit ang umano’y reklamo ng mamamayan.
Mariin ding itinanggi ni Florano na naiintindihan niya ang nakasulat sa umano’y nakahanda nang affidavit ng mga abogado ni Defensor noong Abril 12, petsa ng reklamo. Hindi rin daw siya ang orihinal na nakapaÂngalan sa reklamo at ipinalit lang ang pangalan niya matapos siyang kumbinsihin ng coordinator ni Defensor sa kanyang barangay.