MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng grupong United Movement Against Drugs (Uni-Mad) Caloocan City Chapter na perang mula sa droga ang pinagagana at ginagamit na ng ilang pulitiko sa kanilang kampanya upang iangat at isulong ang kanilang kandidatura.
Kaugnay nito, hiniÂling kahapon ng Uni-Mad Caloocan City chapter sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na masusing manmanan at imbestigahan ang kilos at galaw ng mga pulitikong taga-Caloocan na nasabit sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Sa sulat ni Arturo Magbanua, pinuno ng naturang anti-drug group sa pinuno ng PDEA na si Director General Arturo Cacdac, marapat lamang na kumilos agad ang naturang ahensya ng gobyerno dahil malaki ang posibilidad na perang mula sa pinagbentahan ng ipinagbabawal na gamot ang bumabaha sa lungsod.
Hiniling din ng Uni-Mad Caloocan City sa PDEA na agarang i-expose ang mga pulitikong sabit sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot at kung sinu-sino ang mga pulitikong ginagastusan ng mga drug syndicates upang malaman at maiiwas ang tao sa pagboto sa mga ito.
Nakiusap din si MagÂbanua sa PDEA,na subayÂbayan ang kilos at galaw ni Caloocan City vice maÂyoral candidate Antonio “Nani†Almeda na sinasabing nasangkot umano sa isang kaso ng pagkakakumpiska ng milyun-milyong halaga ng shabu. Si Almeda ang running mate ni United Nationalist Alliance (UNA) mayoralty bet Rep. Oscar “Oca†Malapitan.
Sinuportahan naman ng Akap-Bata Partylist sa pamumuno ni Dr. Ed Clemente ang panawagan ng grupo ni Magbanua sa PDEA na imbestigahan ang mga sinasabing pulitikong sangkot sa droga.
Sinabi rin ng naturang partylist group na hindi sila susuko hanggat di natitigil ang bentahan ng droga sa bansa.