MANILA, Philippines - Inamin ni Pangulong Aquino na mayroon siyang ‘dinaramÂdam’ pero sa kabila nito ay wala pa rin siyang tigil sa paÂngangampanya para sa Team PNoy upang masiguro ang 12-0 sa darating na May 13 elections.
Sa panayam sa Pangulo matapos ang kanyang dialogue kahapon sa mga labor leaders sa Malacañang, hindi dapat maging kampante ang mga kandidato ng Team PNoy bagkus ay dapat doblehin pa nila ang kanilang pagsisikap upang makamit ang 12-0.
“Nobody candidates should relax at this point in time, if possible to even increase their efforts and I think I am leading also by example. We believe we are espousing a certain ideology. Regardless of my physical condition, I will endeavor to maximize delivering the message to our people,†wika ng Pangulo.
Magugunita na napansin ang hindi magandang pakiramdam ng Pangulo kamakalawa sa kanyang pagpunta sa Lucban, Quezon kung saan ay sunod-sunod ang pag-ubo nito bukod sa may sipon.
Naunang nilinaw naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na dala lamang ng mainit na panahon ang ubo at sipon ng Pangulo pero wala naman itong sakit dahil masigla pa raw ito nang dumalo sa 22nd ASEAN Summit sa Brunei.
Magugunita na sinamahan pa ni PNoy si General Santos City Mayor Darlene Custodio noong Sabado sa pagsasagawa ng house-to-house campaign sa Barangay Lagao sa General Santos City upang ikampanya din nito ang buong Team PNoy senatorial ticket.
“Pipilitin namin ang lahat ng magagawa namin para isulong ‘yung kandidatura nitong mga kandidato namin,†paniniguro pa ng Pangulo para sa Team PNoy kung saan ay 3 na lamang ang hindi nakakapasok sa magic 12.