MANILA, Philippines - Lalong lumakas ang senatorial bid ni dating Las Pinas Rep. Cynthia Villar makaraang siya’y iendorso ng Catholic Conscience Vote Phils. (CCVP), isang instrument ng pro-life, pro-family charismatic communities at organizations.
Sinabi ni CCVP Secretary-General Antonio Ag. Medina na napagkasunduan nilang suportahan ang kandidatura ni Villar dahil sa paninindigan nitong itaguyod ang buhay ng tao at pangalagaan ang pamilya.
Nang magsilbi siyang kongresista sa loob ng siyam na taon, sinuportahan ni Villar ang pagpasa sa mahahalagang panukalang batas para protektahan ang interes at kapakanan ng pamilya at mga miyembro nito.
Sa pagsuporta kay Villar na kumakandidato sa pagka-senador sa ilalim ng Nacionalista Party-Team PNoy, binanggit ni Medina ang “NO Vote†ng asawa nitong si Senator Manny Villar na sinalungat ang pagpasa sa Reproductive Health bill sa Senado.
Ang mag-asawang Villar ay matagal nang kasapi ng Couple’s For Christ (CFC) at aktibo sa pagsuporta sa ahikain ng naturang orgaÂnisasyon.